Hindi ako mapakali kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ko. Ikakasal ako sa December 2022. Actually, tentative month ito dahil naniniwala ang side ng fiance ko sa sukob at sa side ko naman ay hindi naniniwala dun.. kaya pwede rin na first quarter of 2023 maikasal. Andyan din yung pressure syempre mula sa pamilya considering yung age ko daw. hahaha Sa Sunday, game na talaga kasi gagawa kami guest list ng fiance ko at paguusapan namin ang kasal. Gusto ko ikasal, yes..tinanggap ko proposal niya, yes.. gusto ko siya makasama pagtanda, yes.. kaso mukhang meron akong u n h e a l e d relationship trauma mula sa past experiences and relationships ko. Inaatake ako ng anxiety. Naalala ko gusto ko maranasan na ikasal simula 18 years old pa lang ako pero ngayon biglang gusto ko ba talaga? Don't get me wrong, mahal ko fiance ko.. Kaso andyan bigla yung takot na kapag natali ako at ginago ako muli ay hindi ako agad makawala, Andyan yung kinaya ko naman mag-isa ng ilang taon na eh, kailangan ko ba talaga siya. Andyan yung huwag na lang siguro ako. Andyan yung kung ano yung pwede ko masabi o magawa o makasakit ako ng damdamin niya dulot ng trauma na ito at ayoko siya masaktan. Iniisip ko din ang pagbabago kapag kinasal na kami sa kung saan kami titira, sino makakasama, paano ba talaga ang ganap ng mag-asawa. Halo-halong emosyon pero ako ngayon ay mas nababalot ng pagkanegatibo. Uhm.. baka pwede naman na wag na lang ikasal? Parang ayoko na ikasal? Haaaay.. pero sa totoo gusto ikasal sa kanya. Ikakasal ako sa kanya. Walang rason para hindi siya piliin at pakasalan.
hmmm.. breathe. Kailangan maresolve ko ito at yun ang gagawin ko. Ayoko naman maikasal ng half hearted dba. Aja! One day at a time at dasal talaga. Whew! Salamat sa pakikinig bebeblog.
(o'.'o)
1 comment:
:')
Post a Comment