Sa tuwing nakakakita ako ng wedding gown, ewan ko parang naluluha ako. Arte. Haha pero ang hilig ko sa panonood ng wedding videos ay hindi pa rin nawawala. Hindi ko lubos maisip na sa edad ko na ito, hindi pa rin ako kasal. Hindi maiwasan balikan ang nakaraan. Pero biglang magtitiwala sa kung ano ba ang inilaan para sa akin. Madalas pakiramdam ko huli na ako at napagiwanan, ngunit alam ko hindi ako pababayaan. Hindi dito matatapos ang lahat. Kahiy pa lagpas na ako sa kalendaryo, alam ko deserve ako mahalin at isang araw darating siya. Ang lalaking nakalaan para sa akin.
Nais ko makasal. Ikakasal ako. Kung kailan yun? Ewan ko. At kung hindi man ako ikasal, maluwag na tatanggapin ang itinadhana sa akin. Hindi na maibabalik ang nakaraan ika nga nila. Mabuhay sa kasalukuyan. At pinapangako ko, hindi ako masstuck sa sakit ng nakaraan.. Lalaban. Lalangoy sa buhay. Matatapos ang lahat sa ngiti. Pagbubunyi.
ctto
Kagabi, kausap ko yung nanliligaw sa akin tapos may binasa kami. Tapos eto yung sinend nya na nakacaught ng attention niya. Tinanong niya kung agree ako.. ang sabi ko “Oo”
Totoo.
(o’.’o)
No comments:
Post a Comment