Alam ko may p a n d e m i c na nagaganap at syempre concern ako sa bansa natin at sa buong mundo pero importante din ang sarili ko. Pinagpepray ko na matapos na ang pandemic ito. Ishare ko lang bebeblog ang ganap ko patungkol sa pag-ibig. Isang buwan na ang nakakalipas mula ng manligaw ang lalaking ito. Consistent? Oo. Masaya kausap? Oo. Gusto ko ba siya? Oo. May nagsabi sakin na kaibigan at kamag-anak na sagutin ko na siya, ngunit ewan ko ba hindi ko pa maibulalas ang salitang Oo. Ang sabi ko sa sarili ko handa na ako, pero bakit netong may dumating, samut saring emosyon ang nararamdaman ko. Natatakot ako, nadudumihan at nahihiya sa sarili ko. Na baka hindi ako enough, na hindi ako karapat dapat sa kanya, na hindi ako maganda, na hindi ako mahalaga. Na baka lokohin lang ako muli, masaktan ulet, at pagmukhaing tanga ng mga nakakaalam na kaibigan at tao. Safe ba ako sa kanya? Kaya ko na ba talaga magtiwala muli? Hay. Bumabalik sakin ang pangamba dahil ayoko na maranasan lahat ng sakit ng nakaraan. Pagod na ako eh. Alam ko mabait ako eh, pero sa nangyari sa akin kinekwestiyon ko sarili ko, na baka naman talagang sobrang sama ko kaya ko naranasan yung mga ganung bagay. Ang alam ko unti unti kong binabangon ang sarili ko mula sa sakit ng nakaraan. Hindi madali, pero unti unting binabalik ang kumpiyansa ma mayroon ako. Nagmamadali na ang lahat sa paligid ko, ngunit naway makahintay ka pa. Magtitiwala ako sa’yo God. Patawad kung minsan napanghihinaan ako ng loob. Ngunit sinusubukan at susugal din muli. Pagkatapos ng ecq na ito, mas kikilalanin ko pa siya at isang araw sasagutin ko na siya sa tulong mo. At para sa’yo L, Salamat sa pagpili sa akin sa araw-araw. Sa mga pagkakataon na ang pessimistic ko at nagdududa ako, palagi mo sa akin pinaparamdam na karapat dapat ako mahalin at may emosyon din ako. Paumanhin kung hindi pa ako buo magtiwala at wala ka pang kasagutan. Huwag ka sana sumuko at mahintay ako. Salamat sa lahat.
Manatiling mabuti. Stay safe, everyone.
(o’.’o)
No comments:
Post a Comment