Sa Sabado tuluyan na akong magsolomode muli. Solo room lang. Yung pinto sa labas ng tinitirhan ko dito sa manila. Ibinigay ko na muna sa pamangkin ko kwarto ko. Buti bakante tong isa. Salamat po sa nagpastay sa akin. Dumating na yung rack na inorder ko. Last week nalinis na yung room eh. So today, naiaset up na yung rack. Ilang black shirts na agad nakita ko. Bukas ikakalat ko damit ko at nakapagdesisyon na ako. Mamimili ako ng mga ititirang damit. Ipapamigay ang aalisin. 10 o less pa na damit na pangitaas na pangalis, 5 na pambaba (shorts o pantalon o palda pa yan) at 10 o less pa damit na pambahay lang ititira ko. 5 jackets. Panglangoy ko. Mas konti, mas okay sa akin. Pipiliin ko rin sapatos ko. Magtitira ng 5 (magkasama na sapatos at tsinelas dun). Nakaorder na rin ako lagayan undergarments, hinihintay na lang. Bakit ko ginagawa to? Siguro kasi pagod na ko. Charot! Seryoso, hindi na ako naeengganyo sa panlabas na kasuotan. Ako to ha, side ko to. Tsaka may isang tao na bagong kakilala na naging inspirasyon ko din sa ganitong ganap. Tapos wala pa siyang pake. Yung di kailangan magpaimpress o magpacool, ganun. Naastigan ako. Dati ko pa naman gusto na simulan magbawas ng gamit, mas napush lang ako ngayon. Naisip ko nga, kahit nga paulet ulet ako magplain black shirt tuwing aalis, ayos lang sa akin, wala akong pakielam. Kaso ayoko naman palitan mga damit ko at nanghihinayang ako gumastos. Tipid mode 2020 ako. Iwas tingin din ng damit sa mall. Weakness ko pa naman ngayon damit na may earth tone. Haha pero no no no! Tsaka sa June, kailangan ko kasi makabili aircon. At dapat magkapagtravel this year kaya wala ako budget sa extra na damit. Balitaan ulet kita sa kalalabasan nito. Donation ang pagdadalhan ng damit na hindi mapipiling itira.
Kung tatanungin mo kung kamusta ako, uhm eto humihinga at patuloy na nagpapakatatag sa mundong ito.
No comments:
Post a Comment