I forgot to share.. GV ganap to. Kaya gusto kong ibahagi sa'yo bebeblog. Nung CNY2018 lumabas kami ng lolalaladear, girl cousin at dalawang aunties ko. Actually, gusto ng Lala sa Binondo para mamasyal at magfoodtrip pero dahil mainit at sa edad na din niya, we decided na sa iba nalang. Tinreat ko sila sa amusement center. Sa WoF. Pinaglaro ko si Lala ng basketball. Laughtrip.. pero ang galing ni LolaLalaDear nakailang shoot siya, yung ngiti nya eh. Pati mga tita ko pinaglaro ko inabutan tokens para magenjoy lahat. Una ayaw mga tita ko kasi nga pambata daw, tsaka naisip ko din dito kasi may pinagdaraanan isa kong tita para ngumiti naman siya. Sa mga tita ko naman, valentine's treat ko sa kanila to. Kung ano ano pinaglalalaro namin. Dami ko nakitang ngiti at tawa. Deserve ng mga babae sa buhay ko na sila naman. Sila naman ang makaranas ng mga to. Wala na sila ginawa kundi asikasuhin ang pamilya nila, at unahin ang mga anak nila kaya ang araw na ito ay para sa kanila. Binilhan ko din ang tita at pinsan ko ng beauty ekek na napili nila. Kumain kami sa gusto nila kainan. Seafood resto. Yum. Dahil kung ako sa korean foodtrip ko sila daldalhin. Lol! Tas naaalala ko sasabihin ng mga Tita ko pag sa kwentuhan dati, ang mahal naman sa kapihan, di nila bibilhin kape na ganun presyo. This time, niyaya ko sila magkape kami at nag dessert sa isang korean coffee place. Sakto masarap yung napili namin puntahan. Sulit! Dinala lang nila sarili nila. Ang mahalaga mageenjoy sila.
Pag uwi ko syempre sabi na naman uncle ko ang gastos ko. Simpleng mamamayan lang ako. Pero masaya ako sa desisyon ko na ito. Ang itreat naman ang mga taong nakasama ko hanggang sa lumaki na ako.
Oops bebeblog wag ka matanong sa ipon ko, HAHAHA ang mahalaga, nakapagpasaya ako.
After sa WOF, hinawakan ako ng lola ko, at sinabing "masaya ako." sapat na sakin yun.
Salamat sabi mga tita ko, nasa isip ko naman, No.. "Salamat po sa inyo."
Kalimutan na ang nakaraan na hidwaan, mabuhay sa kasalukuyan at mahal ko kayo. Lahat kayo. :)
LolaLalaDear, mabuhay ka!
(o'.'o)
No comments:
Post a Comment