Nagkitakita ng mga kaibigan ko nung HS.. Puro sila lalaki na kasama mga asawa nila. Grabe kabully.. Iikot sa kanila tas tatagal sakin. Andun din kc yung pinakabully sa lahat at sobrang lakas magtrip. Pilit niya inaalam kung ano talaga nangyari samin ng x ko. Sa bawat tanong niya, puro tawa lang sinasagot ko.. Sabi pa niya, xa daw nangigigil ee at ihihiganti niya daw ako.. sinabi ko padin na hindi na kailangan.. kahit pa alam naming nagtritrip lang xa. May pinakita pa nga xa pic ni X na may kargang bata kasama ang karelasyon niya. Kung cnu pa mga lalaki , yun pa lakas makatsika. Haha. Laugtrip. Sinuklian ko lang ng ngiti. Wala ko masabi dahil wala ako maramdaman. Takte ako nalang palage topic. Puro past, umay! Hindi na ako yun kaya hindi na ako makarelate. Pinaalala pa nila ang nakaraan at kung 10 o 11 years ba kami nun. Wew! Sa lahat ng tanong, puro ngiti lang isinagot ko.. pipe? Nyahaha. Yung mga tropa mong lakas mambully. At syempre kasama na dun yung isa sa asawa ng katropa na di padin makapiwala at gigil padin sa nangyari. Kahit 1 taon mahigit na ang nakaraan. Nakausap ko xa ng 1on1. Sabi pa niya sa DABDA ndi niya makita sakin ang Anger. Sabi ko sa kanya napunta. Hahaha. Pilit ko sinasabi na hayaih na at mabait yun, at sasagutin ako ng hindi mabait yun. At ipapaalala sakin ang nakaraan. Hindi ko alam kung naaawa xa sakin tuwing magkikita kami ng personal.. Ayoko naman kaawaan sarili ko.. Kahit na sa tuwing makikita ko xa, nararamdaman ko padin kahit papano kung gaano kasakit ang hindi ka piliin ng taong minahal mo ng totoo. Ayoko magpadala sa gusto iparamdam sakin iba. Kaya mas pinipili ko ngumiti. Dahil nagpapasalamat padin ako dahil alam ko may magandang dahilan ang lahat ng ito kaya bigla padin napapalitan ng ngiti sa puso ko kaysa lungkot. Pagtawanan man ako ng mundo, alam ko na anjan mga kaibigan ko at pamilya ko kahit ano pang mangyari.. at kung tawanan man ako ng mga kaibigan ko at kapamilya ko, tatanggapin ko dahil nagtitiwala ako sa plano ng Diyos sa buhay ko. Nagpapasalamat din ako sa sarili ko sa hindi pagsuko at pagkapit sa Kanya. Kaya okay na ako.. Lakas! Salamat sa oras..
*katuwa din kasi matapos ko makamoveon ng June 2016, naglalalabas na ulet ako. Nakikipagmeet sa friends at more time with the family.. more than 1 year din kasi ko nagtago sa kwarto ee. Kaya masaya din sa pakiramdam na lumabas labas ulet. QT. :)
(o'.'o)
No comments:
Post a Comment