Wednesday, August 17, 2016

At narating ko ang dulo ng nakangiti..

May pinapanood sakin ang isang kaibigan na music video.. Di ko alam kung para sa movie yun oh music video lamang.. Sabi pa nya, wag daw ako maiyak.. At akin siyang pinanood.. Tumagal yun ng anim na minuto.. Sa kabuuan ng istorya, dumating din sa pamamaalam ang relasyon ng dalawang magkasintahan.. Yung bang akala nila walang katapusan ang kung anuman ang mayroon sila ngunit may dulo rin pala.  At nasa dulo na.. Tapos na.. Maganda yung kanta at video ngunit di ako nakaramdam ng kirot. Wala ni isang patak ng luha. Ni walang bahid ng pangungulila o lungkot.. Pinanood ko ito sa isang kaibigan at sa pangalawang pagkatataon napanood ko muli music video na inaasahang magpapaiyak sakin. Ang kaibigan ko ay kagagaling lang sa hiwalayan 1 buwan at kalahati ng nakalipas at habang pinapanood namin yun xa ay umiiyak. Makailang beses xa nagpahid ng kanyang luha. Kinailangan pa nyang pumunta ng banyo iayos muli ang sarili niya.. Mas muntik nq maiyak ng masulyapan ko xa na umiiyak.. Tama.. Nakamove on na nga ako.. Habang pinapanood ko yung music video na yun, hindi ko maiwasan mapangiti.. Siguro dahil nagdaan din ako sa ganun at nakangiti ako dahil tapos na ko dun. Nalampasan ko na.. Kumbaga wala ng kadating dating.. At habang pinapanood ko siya nakangiti ako dahil alam ko matapos ang lahat ng yun magiging mas better person xa. Hindi perpekto ngunit isang matatag na tao na handang lumaban anuman pagsubok ang ibigay sa kanya. At yun ang kinasisiya ko.. Ang may makita kong tao na matapos ang lahat ng sakit ay magiging isang stig' na tao.. Stig'?! Oo. Kasi darating din yung oras na makikita niya ang halaga niya at mas mararamdaman niya ang pagmamahal ng Diyos sa kanya.. Walang kasing saya hindi ba?.. Korni ba? Wala naman ako pakielam sa sasabihin ng ibang tao. Mas may pakielam ako sa sasabihin ng Diyos ko. Para sa aking kaibigan, salamat sa pagrekomenda at napatunayan ko na kahit humantong kami sa dulo, walang pagsisisi dahil nagmahal ako ng totoo. Walang ibang dapat sisihin at move on move on din tayo. Yay!

(o'.'o)

No comments: