Sunday, June 12, 2016

Pwede ba yun? Oo. Hindi. Pwede.

Pwede ba kayong maging friends ng ex mo? I think no. Hahahaha. Pero pwede.. casual lang. Hindi kayo enemy, hindi din kau superfriends.. Hindi kayo para magkita at di para magtxt? Haha. Share ko lang bebeblog. May isang meme na pinost yung kapatid ng ex ko, natawa ko bigla.. Kc about moving on kyeme.. Na para daw makamove on, hindi ang pagbloblock o paguunfriend ang solusyon kundi hanapin mo ang nakasakit sa'yo at sapakin mo.. Kaya napacomment naman ako na "talaga ba, sinabi mo yan aa.. Etc". Tas nung nagcomment ng Hahaha yung kapatid nya, napareply naman ako ng.. Eeasyhan ko lang at *peace sign* ngusho! Hmmmm... Paano ko nagawa yun? Anyare?.. Wala na bang galit sa puso ko? Nakamove on na ba talaga ako? Huh?! Last week, nasabi ko sa kafatid ko na ready na ko ulet.. Dating, relationship, etc.. Ready nq. Isang taon din ang nakalipas bago ko nasabi yun aa. Isa ba to sa nagpapatunay na ready na nga ako..? Naisip ko wala naman malisya kung nakapagcomment ako ng ganun, matagal naging kami.. At kung katumbas ng pagkakaibigan sobrang lalim na ng pinagsamahan namin. Natatawa nga ako ng tinatype ko yung comments ko ee. Iniisip ko hitsura namin kung magkaharap man kami. Hahaha Sa tagal namin magkasama, mas marami naman ang masasaya. Mapahanggang ngayon, wala naman din ako masabi sa ibang tao kundi magandang salita patungkol sa kanya. Maliban nga lang sa nasaktan nya ako, yun lang yun at wala ng iba pa. Tsaka kilala nya ako at kilala ko din xa.. Noon. Ganun pa man, sabi ko nga sa lahat ng to, dito tayo tumatatag at mas lumalaban sa buhay. Hindi pa naman pala ito ang katapusan ng mundo. Bagamat ang paghihiwalay namin at ang hindi pagharap sa akin ay isa sa mga bagay na nakapagpalungkot sakin, habang wala xa, nalaman ko na mas madaming pa palang bagay na dapat ikangiti at bigyang pansin. Kasama na ang mga taong nageeffort magstay na kasama ako. Masasabi ko, nagmature ako at sana ganun din xa. Para sa ikakabubuti naming dalawa. Kotong ka ngusho! Hahaha.

(o'.'o)

No comments: