Nakauwi na din sa wakas. After almost a month nakit ko muli ang La Familia ko.. Ang bumungad sakin pagdating ay ang kuya ko at nakatanggap ako ng yakap. Medyo keso siya sa parteng yun. Hahaha Hmm.. Ngayon naman, kausap ko ang tito ko , pagbukas ko ref may nakita ko 1 buong pizza, yun daw kasi dinner nila. Halala d nagkanin himala. Hahaha Naghahanap siya ng mga mga discounts sa metrodeal. Nakakatuwa kc kaharap ang ipad nya, siya mismo ang naghahanap ng mga lugar o restaurants na kung saan makakamura. At ng biglang napatitig ako sa kanya, habang nagbbrowse kasi xa, nagkwekwento din xa at bakas sa tono nya ang excitement. Bigla naman ako parang naluluha, kasi ngayon naeenjoy na ng tito ko ang mga ganitong bagay, siguro dahil dalaga at binata na ang mga anak nila kaya't wala na maxadong inaalala yung isa nalang. Sobrang proud ako sa kanya. Naalala ko kung gaano ka protective tong tito ko sa mga anak nya. At ngayon, mas naiintindihan ko na.. Deserve nya magenjoy sa mga bagay bagay. Niyayaya nya din ako sa mga plano nya. Hangkulet! Ngayon mas light na. At nakikita ko ang kasiyahan sa kanya. Para ngang gusto ko xa ihug para mas maramdaman nya na mahal ko xa at masaya ko para sa kanya kaso medyo makeso naman yun baka magulat naman xa. Gusto ko magpasalamat Uncle E. Habang inaayos mo ang salamin mo, naalala ko ang nakaraan kung paano mo ako alagaan. Hindi man lageng maganda ang samahan natin noon, alam ko na lage mo naman ako pinagtatanggol sa ibang tao, at nirespeto ang desisyon ko sa pagpili ng taong mahal ko . Ipinagpapasalamat ko lahat at yun ang nakapagpapatatag sa relasyon natin ngayon.. Di mo man aminin, Oo alam ko, ako ang paborito mong pamangkin. Salamat sa lahat Uncle E.. Sa pagaaruga, pagmamahal at pagtanggap sa akin. God bless you and your family!
(o'.'o)
No comments:
Post a Comment