Saturday, December 5, 2015

Bump Car XP

Today's episode ng EB Kalyeserye.. kiligvibes! Sa Enchanted Kingdom! Kyut ng AlDub. Yiiee!!! May isshare ako tungkol sa kabataan ko. Naalala ko nagpunta kami sa EK.. Cguro between 10-14 age ko nun. Hiyang hiya ako nun.. Paano, d ako marunong.. Paikot ikot lang ako hanggang sa matapos.. Ang daming tao nun.. Pakiramdam ko lahat ng mata nakatingin sakin.. at pinagtatawanan ako. Praning? Hahaha.. kc totoo naman, panunuorin naman muna yung nakasalang habang maghihintay ng turn nila dba. Hindi agad ako nakatayo nun. Yumuko nalang ako at nagmadaling umalis. Wala akong matakbuhan na nanay nun para takpan ako.. Gusto ko magtago.. Pakiramdam ko ang init ng mukha ko nun.. sa pula! Pagdating ko ng 15 taon gulang, may bump car area sa isang mall malapit samin.. Sabi ko sa sarili ko, Eto na yun! Pagkakataon ko na to.. subok muli.. mag seatbelt, hawakan manibela, apak.. andar! May gumabay sakin na staff nung simula higpit pa nga ng hawak ko sa manibela sau.. salamat sau.. tas natuto ako.. After class direcho kami dun ng mga kaibigan ko.. Halos inaraw araw ko ang pagpunta dun hanggang sa nahasa ako. Hanggang sa isang kamay na lang hawak ko sa manibela at di na ko nakikipagbungguan dahil nagpractice ako lumusot sa 2 cars na magsasalpukan. Dahil lage kami dun dumating sa punto na kaming tropa lang sa loob at di muna pinapapasok ang iba. Tas paikot ikot lang ako dun na parang solo ko yung paligid.. Ang sarap sa pakiramdam. Lalo pag nakakalusot ako dun sa masisikip.. at naiiwasan ko ang babangga sakin.. Yung pinipilit ka habulin at bungguin pero d nila magawa.. Hmm.. Yan pala ako noh? ANG BABAENG DI AGAD SUMUSUKO.. ANG TIPO NA HINDI NAGPAPADALA AT NAGPAPATALO SA MUNDO. Minsan ng nawala sakin yung ugaling to at napanghihinaan ako ng loob kaya dapat ng ilabas ko muli ito, Dahil kung hindi ko na muling ginawa yun, hindi ko malalaman na makakaya ko.. kaya ko.. at kayang kaya ko naman pala. Basta wala kang natatapakan na ibang tao, go lang ng go! NEVER GIVE UP. Aja!👊 Mababaw man to sa iba, pero sa akin ito ay mahalaga. Tara laro tayo?! HAHAHA. #BumpCarXP #ALDUB #SimpleBubblyHeke (o'.'o)

No comments: