Wednesday, November 25, 2015
Warla.
Nakita ko sa isang post ng kapatid ko na may nakaaway xa. Naalala ko ang nakaraan. Ang kabataan namin. Ang kuya kong warfreak at walang sinasanto. Nagbago na naman xa.. Cguro kc syempre nagkapamilya at lumaki na.. pero sa post kanina di na din ako nagtaka. Hahahaha. Tsktsk. Naloka lang ako sa pagsaksak sa kanya ng ballpen ng nakaaway nya. May props dapat ganern? medyo badtrip yung parteng yun. Buti namam at maayos xa. Kasama nya ang asawa niya kanina at buti naman maayos sila, ang di daw okay yung isa di daw kc maawat kapatid ko.. naalala ko pala si Uncle Bobet lang nakakaawat dun dati.. pero ineasyhan naman daw nya sabi ni kuya. Aw! Naalala ko, nung panahon na durog ako, umiwas ako sa kuya ko. Kasi alam ko ang pwede niya gawin lalo pa't kaming kapamilya nya ang damay. Alam ko na pwede nya balikan ang taong nanakit sakin sabihin ko lang.. at baka isama pa nya mga pinsan kong lalaki pag maisipan nya pero d ko ginawa.. Di ako nagpakita ng kahinaan ko sa harap niya.. Pinakita ko na maayos ako at di ako apektado kahit na sobrang lungkot at nasasaktan ako sa nangyari sa buhay ko.. para lang wag xa magalala at makasakit at may masaktan o mapahamak ang ibang tao. Actually, si kuya yung taong minsan lang magtanong pagdating sa personal ko, once in a while kinakamusta nya c ngusho at kami. Tas, bata ko pa nun, sinabihan na ko ng kapatid ko na wag magmadali sa relasyon, pero di ako nakinig, pinaglaban ko.. at sinuportahan nya ko sa desisyon ko, silang pamilya ko.. kaya ang sakit na nararamdaman ko na kailangan ko pigilan sa harap nya ay sobrasobra. Nung panahon na sobrang sakit na nararanasan ko at katabi ko xa, pinilit ko at pinigilan ko ang sarili ko na wag magsalita ng kahit na ano.. Nang magtanong xa, ang tanging nasabi ko ay Oo at wala ng iba pa. Purpose ng post na to? Ikaw na talaga kuya! ... kahit anong mangyari, mahal kita.
Walang perpektong tao. Lahat nagkakamali, pero hindi lahat natututo.
#SobrangSakitPadinPala #AlaalaNgNakaraan #Pamilya
(o'.'o)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment