Saturday, October 24, 2015

Anong karapatan mo?

Kaninang after lunch, may HE class ako sa AD.. May pinagbasa ako isang patient tas tinawanan ng iba pa.. dahil sa edad niya hirap xa magbasa.. at may mga side comments pa.. So sinabihan ko ang klase na kung sino man ang magaling ay xa na ang magturo sa harap.. Wala naman sumagot.. Dahil nga kabataan at puro kalalakihan may likas na kakulitan.. Ang sabi ko sa kanila, di para tawanan bagkus tulungan at turuan.. Pinaexplain ko sa kanila meaning ng Humility. Nasagot naman.. Nanahimik naman.. at mukhang natauhan. Sana nga. Hahaha.. Ang mahalaga, hindi ko pinalampas ang paguugali nilang pinagtatawanan ang kahinaan ng iba.. at hindi ako nakitawa o nakisabay sa asaran nila.. May mga panahon ng tawanan sa klase, pero hindi sa usapin na ito.. Muli, di ako perpekto, ganun pa man, nagpapasalamat ako, kasi natutunan kong wag kailanman magmalaki dahil di ako para magmalakai sa iba, lalo na kay God. Topic din pala kanina ito sa Shabbat. Hindi mo para ipagmalaki amg meron ka ng wala sa iba, dahil meron din mga bagay na meron ang iba pero wala ka.. Sakto! Salamat muli sa paalala.. Oh baka isipin nyo ang seryoso ko maxado, makulit padin ako.. ako pa po ba? Watata.. May mga bagay lang talaga na nabago sa kilos at isipan ko.. Iba lang talaga ang nagbago, sa natuto.. It’s just a fact: You can never outgive God. Kaya't wala tayong karapatan. Reminder: Always keep your feet on the ground. Ayt? #ShabbatShalom (o'.'o)

No comments: