Thursday, September 10, 2015
Be a friend to your friend.
THANK YOU Hashem sa pagpapaalalang hindi ako nagiisa.. :)
Sleepover at bb Eya's place.. watching her sleep. Haaayy pwede na ko matulog. Mahimbing na tulog niya tas maaga pa ko gigising bukas dahil uuwi pa ko. LOL!
Kanina habang tamang higa lang ako sa kwarto, katatapos tapos lang magemote, tumawag si buddyG.
G: Heke, san ka ?
H: bakit?
G: kain tau ni kuya.
H: ayoko. Di pa ko naliligo.
G: Hindi pwede. Wag ka na maligo, hapon na! :)
H: Hahaha! Oxia ligo lang ako.
G: Ok..
Pagsulpot ko.. Nabanggit ni buddyG na may hugot daw ako dahil sa mga fb status ko. Eh andun si eya, ang nilolokong girl mugto.. iyak pa more. Aw. kaya inaya namin xa.. Naglakad lang kami at naghintay kay eya dahil 8pm pa uwi niya. Hangginaw huh! Hahaha tawanan pa more.. sa McDo, Lokohan dito lokohan dun.. Tawa dito, tawa dun! Super laughtrip.. Tinry magevening wrap up kaso wala, ayaw magopen ni Eya.. tas hanggang nalaman namin na wala kasama si eya sa apt ngaun kaya dun na ko pinatulog.. Tinanong ulit xa pero di pa xa handa magkwento talaga. Ayos lang! Actually, para may kasama si eya, at baka mugto na naman mata nito kung magisa lang. Mahirap nga daw kc magisa. Aw. Hanggang sa nasabi ni kuya..,,
A: eh eto nga ee, *sabay turo sakin* dati pag tinatawagan ko umiiyak, kaya sasabihin namin "halika na, halika na, tas pag ayaw pupuntahan pa namin.."
G: Susunduin namin, sumusulpot kami sa kanila
H: oo. bigla sila sumusulpot, nakikita nila ko.. minsan nakapang sirena..
G: oo. Minsan puno.. nakagreen shirt, brown pambaba.
G,A,H,E: Hahahahahaha
G: mamaya na ulit iyak..
H: oo. Nabawasan yung oras ng pagiyak, ilang oras din yun. Hahaha
Naglakad kami pauwi.. Maswerte padin pala ako, sa mga kaibigan na meron ako. Tama ang spiritual parent ko, "Ang kaibigan, pinipili yan" Di pwedeng basta basta ang magiging kaibigan mo kasi maaari kang maligaw kapag nasa maling barkada ka. May mga bagay pa talaga na dapat ipagpasalamat.. at madaming bagay na dapat ipagpapasalamat. Ang pamilya ko dito sa Tagaytay. Sila yung mga taong anjan lang, bigla sumusulpot pag kinailangan mo, wala naman sila sinasabi, nagkwekwentuhan sa ibat ibang at hindi tungkol sa problema mo pero ramdam mo yung concern nila sayo. Di man sila magtanong o magsalita tungkol sa iniiyak mo ang mahalaga anjasa lang sila. Yun eh ang damayan ka lang. Di naman sila makakaalis ng sakit na nararamdaman mo, pero kahit papaano sa kanilang paraan sandali ko itong nakakalimutan. Sa totoo naman ang desisyon naman ee nasa sa iyo padin.. Ang sarap sa pakiramdam ng magkaroon ng mga kaibigan, yung hindi ka dadalhin sa kapahamakan, yan ang totoong kaibigan..
Happy din ako sa mga lovelife ng mga to. Loyal . Proud ako sa inyo! No to infidelity!
Salamat muli! #MayTibayNaMaaasahan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment