Namiss mo ba ko bebeblog? Hahahaha.. Direstahan.. alam mo ba araw araw na napapaluha ako.. Hindi pala madali noh.. Yung bigla bigla ka makakaramdam ng kirot sa puso mo.. pero sa twing mangyayari yun pinipili ko magpatawad.. At hindi pala ganun kadali magpatawad. Ang sakit padin pala.. Normal lang naman cguro to kasi tao lang naman ako. Ganun pa man sinasabi ko na sayo na ang nararamdaman ko ngayon ay hindi simpleng pakiramdam..
Tas parang wala na ko interest sa mga lalaki.. Parang mas gusto ko nalang ako maging lalaki sa relasyon kasi parang nawalan na sila sakin ng dating. O hindi ko lang talaga makita pa sarili ko kapiling ng iba.. Ang pipiliin ko lang noong kami pa ay xa.. At hanggang ngaun siya padin naman mahal ko ee. Hindi ako perpekto alam ko yan pero alam ko na pag mahal ko yun ang pipiliin, ipaglalaban ko at hindi ko kailanman isusuko. At ganun ako ka faithful.. ni hindi ko kaya humalik o magsabi ng mahal kita sa hindi ko naman talaga mahal.. at sabi ko nga sa edad kong ito hindi na ko para makipaglaro pa sa usaping relasyon. At dahil sa ginawa sa akin minsan nawawalan na ko tiwala pati sa sarili ko at alam mo ba kung gaano kasakit.. pagmukhain tanga ng mga tao sa paligid mo?.. na umakto na parang wala silang alam at pagmukhain tanga ng taong mahal mo?.. at saktan ka ng mga taong pinagkakatiwalaan mo..
Hindi ko kailangan ng bagong relasyon..
Mas palalalimin ko muna yung relasyon ko kay God..
Pero may natutunan naman akoa sa nangyari sakin na ito..
Put your trust in God, not man. #LessonLearned
Kung bibigyan man ako ng Panginoon ng makakarelasyon at mapapangasawa, kung siya parin yun o iba.. Sigurado ako na sa panahon na yun ito ay ayon sa kalooban NIYA..
#stillBlessed #FoundGod #BeStill
No comments:
Post a Comment