Thursday, April 30, 2015

Day 16 Hangsaklap

Ang sakit.. Bakit ang sakit sakit padin?..
Sa umaga: Dance Fusion.
Sa hapon pa gabi: with madam.

Dahil bumaba kami manila kanina, binisita ko ang pinsan kong c charm. Kung wala lang ako kasama nung nagkita kmi baka naiyak na ko.. Nakasalubong ko din tito ko..Namiss ko cla.. Weeee..

Sa sasakyan otw manila napapaisip ka.
Sa sasakyan pabalik tagaytay napapaisip ka.

Sabi ng boss ko sa sasakyan.. gabi na.
"So ulila?.."
"Po?"
"So ikaw lang ba sa inyong magpipinsan ang ulila o ulila din cla?"
"ay ndi po! Happy family po cla."
Sabay tingin sa knya kaso tulog pala xa.. sabay sabi ko sa sarili ko na, "masaya po ako para sa kanila."

Tas bigla na naman ako napatahimik tas napaluha. Takte din kc lakas makasenti nung kanta sa radyo. Hahahaha. Weeew tas tinanong din kc ko about sa family.

Grabe noh? Yung mga nararanasan ko ngaun parang pinaghalo halong movies..

The fact na alam nyang ulila ako ha..?
Ang sakit sakit na..!
** years dun kpaba magdududa?
Na yung apilido nya magiging apilido mo..

Hangsaklap. Gusto ko umiyak sa sasakyan pero d ko magawa.
Baka maloka cla sakin. Yung nararamdaman kong sakit na di ko alam kelan matatapos. Basta ang alam ko, kailangan ko lang kumapit sa KANYA.

Tas paguwi mo bahay.. magisa ka.

Gusto ko na umuwi manila pero iloveRehab... Tsaka pag nasa manila ako magmukmok nalang ako sa kwarto ko. Kaya dito nalang, wala pa nakakakita sakin na nasasaktan ako.

Naalala ko pa may nagsabi sakin.. Yung isa sa wala pang 5 tao na may alam ng pinagdaraanan ko, "Halos buong buhay mo kasama mo siya dba.." Ugh. Tagos tagusan yung sakit. Oo nga naman.. Paano ba makamoveon?! Ayoko ng ganitong sakit.. Sabi pag mahal mo dba di ka gagawa ng bagay na masasaktan xa? Anyare?! Para kong nahulog sa pagkataas taas na wala xa para sumalo. Pinagbilinan kpa ng daddy ko dba? Ganun ba yun? Ganun nalang ba yun?.. Bakit ka sumuko? Bakit d ka nagpakatatag? Bakit ka naglihim? kaya eto wala nq magagawa kundi isuko ka din.. kahit na ayoko sana.. Kung ganito rin pala ang kahahantungan, bakit di pa noon? Nung 20 palang ako.. 22, o kahit 25? Bakit ngayon pa?.. Tinanggap kita. Hinintay kita. Naniwala ako. Nagtiwala ako. Kulang cguro sa nanalig ako sa KANYA. Ayun ang ending, nagmahal lang ako.. Di ako galit pero may karapatan naman cguro ako masaktan.. kahit masaktan nalang..

Umiyak ka? Oo. Mugto mata.

(o'.'o)

No comments: