Foggy morning!xD Oops! akala ko magiging smooth buong araw ko pero hindi pala.. Aw! Well.. Di naging okay ang start ng araw ko. Ganun pa man, may natutunan ako.. Nasita ako dahil sa 2 bagay.. Sa una,, tanggap ko maling mali ako dun.. Sa pangalawa,, aaminin ko.. nagulat ako.. di ko napigilan ang sarili ko, naiyak ako dahil nalungkot ako.. kc.. di pala okay sa pakiramdam yung namuro ka ng wala kang kaalam alam noh? yung ang dami mo na palang kasalanan pero di mo alam na nagkakasala ka na pala.. ikaw? naranasan mo na ba yun? yung di mo intensyon magpasaway pero sa paningin ng iba pasaway ka na.. o akala ko lang talaga tama at hindi ko naisip na mali kc nagagawa naman ng iba.. Pero.. tinatanggap ko.. at aq'y nagpapakumbabang humihingi ng pasensya.. mas naintindihan ko na ngayon.. mas naliwanagan ako.. Wala akong galit sa kahit kanino.. at di ako marunong magtanamin ng sama ng loob. Bagkus,, ako'y nagpapaSALAMAT.. Gusto ko magpasalamat sa tropa na anjan para sakin.. Nagulat ako ang dami nyong sumulpot. Sa isang tropa na walang sinabi kundi 'Smile' na.. Sa isa na pinunasan yung luha ko.. Sa isa na pinapakain aq.. Sa isa na willing makinig at aq'y pinagcoconfide khit iyak lang ako ng iyak.. Sa isa na nagshare din ng karanasan nya.. Sa isa na humagod sa likod ko.. Sa isa na hinayaan lang ako umiyak at mailabas yung nararamdaman ko.. Sa isa na napadaan lang at umalis din.. Salamat sa inyo! at.. Salamat din sa mga taong nagpapamulat sakin kung ano ang totoong mayroon sa mundong ginagalawan ko.. Apir! :)
Hindi naman importante kung gaano karaming beses tayo nagkamali,, ang importante eh kung ilang beses tayo bumangon at sinabing 'kaya ko toh!'
.Goodvibes padin ako! Aja! Heke.
*Smile lang.. wag mong hayaan na isang badvibes na pangyayari ee maapektuhan ang buong araw mo. Mas maraming tao ang gustong nakikita kang nakangiti kaysa malungkot tandaan mo yan. :) pak!
NP: Smile - Nat King Cole.
(o'.'o)
No comments:
Post a Comment