Saturday, November 10, 2012

pa-share? oo ba! ;)

Hello po!XD late post po to..

Nangyari to 10/31/12.. Yey! sahod na! excited much na ko kasi after 3 weeks eh uuwi ako manila.. Isa sa kasamahan ko sa trabaho ang lumapit sakin..

Ate: "Hex, pwede ba makahiram?"
Hex: "Opo, magkano ba?
Ate: "1k sana"
Hex: "Ok po. kelan nyo po ibabalik?"
Ate: "next week pagdating sahod."
Hex: "ok."
Ate: "Thank You."

Kasama ko xa nung nagwithdraw ako pera.. tapos shinare nya bakit nya need money. Nagipit lang talaga. ganun naman ako ee, like my dadiyow.. "pag meron ee meron.. pag wala ee wala tlaga." Di na ko nagdalawang isip nung unang magtanong xa. Tas tsaka ko nalang naisip na maguundas, uuwi ako manila, may gastos din akong iba, pano kung di xa sumahod next week paano naman ako eh ako naman mawawalan, etc. pagkaabot ko ng pera nagthank you xa.. napangiti naman ako. Hindi nya daw alam bakit ako nilapitan nya. Basta nung nakita nya ko bigla nalang nya nasabi yun. Nahiya nga daw xa pagkatapos.. Sabi nga namin di kami close, pag nagkikita kami batian at ngitian lang. Sabi ko kay ate wala yun ako pa nga nahiya kasi di naman bigay yan.. pero sabi ko nga, "Hindi man yan libre, at least sa panahon na kailangan mo ee natulungan kita. Basta wag kang mahiya lumapit sakin if need mo at pag meron ako ishashare ko."

Nov 7 - nagbayad xa at agad din pinahiram ko naman sa isa ko pang kasamahan yung binayad nya. Ayos lang! Happy ako sa desisyon ko. Ikaw gusto mo ba makishare? ;)

No comments: